Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas
August 30, 2011 Poems No CommentsAng ilaw at lakas, sa tuwid na landas
Wika natin walang kakupas-kupas
Kahit sa mga panahong lumipas
Naging panglaban sa dayuhang pangahas
Ang Kastila, Amerikano, Hapones
Tumangkang sakupin ang ating bayan
Ay walang nagawa sa ating Achilles
Wika natin sadyang makapangyarihan
Instrumento sa ating pagkabuklod-buklod
Naipapahayag, saloobin natin
Ang sabi ng amang wikang pambansa
Filipino, gawing wika ng Pilipino
Sa ika-labing apat na artikulo
Partikular sa ika-anim na seksyon
Nagsasaad na ang wikang Filipino
Ay ang maging pambansang wika ng nayon
Ngunit nasaan ang diwa ng pahayag
Ginagamit na natin, wikang banyaga
Wika natin unti-unting nalalaglag
Impluwensya ng banyaga ang dahilan
Tayong mga Pilipino ay may wika
Bakit di pagyamanin at gamitin
Kasabay ng ibang mga lengguwahe
Ang mahalaga, mahalin natin ito
Gian Paolou R. Sta. Cruz , 2nd Yr –Hibiscus,
Cebu City National Science High School
Salvador, Labangon, Cebu City







